This is a joint post with Owen Barder.
See also Alan Gelb's post, "Technology After the Typhoon: Lessons from Pakistan and India."
We should not help the Philippines like we helped Haiti—we can, and must, help better. Lack of generosity is not the problem. Since the Haitian earthquake, almost $6 billion has been disbursed in official aid, in a country with a population of just under 10 million. On top of that, an estimated $3 billion has been donated to NGOs in private contributions. The United States pledged over $3 billion for relief and reconstruction. Yet almost four years after the quake, there is little to show for this: even the capital, Port-au-Prince, still does not have decent roads, running water, or reliable electricity. An estimated 200,000 to 400,000 Haitians still live in the tents provided by relief agencies soon after the quake.
Nongovernmental organizations and private contractors have been the intermediate recipients of most of these funds. Many are based in the United States or in Europe. But despite the fact that these organizations are beneficiaries of public funds, there are few publicly available evaluations of services delivered, lives saved, or mistakes made. Most Haitians are disillusioned with the overall lack of progress, and with the lack of transparency and accountability that has accompanied the relief effort.
Vijaya’s efforts to discover how the money was spent (see Haiti: Where Has All the Money Gone) found it impossible to trace. For example, USAID disbursed $150 million to Chemonics, an international development company, but as recently as last May there was no public record of how that money was spent, what projects were implemented, or how many people were served. This lack of accountability and transparency means that few lessons can be learned. It also means that is almost impossible for the Haitian authorities to manage aid flows. Pierre Erold Etienne, Director-General of the Haitian Ministry of Finance noted that
We have only very little, overall information on aid.… We are required to be transparent. We publish the financial information relevant to the execution of our budget. All we ask is for the same transparency from our donor friends, which should help both us and them.
The scramble in the aftermath of the earthquake in Haiti was reminiscent of the problems experienced five years earlier in Indonesia following the tsunami, where a series of well-meaning but disjointed efforts led to bottlenecks in the distribution of desperately needed supplies. In Banda Aceh, there were reports of children developing the symptoms of measles after being vaccinated three times by three separate aid organizations.
The world can and must do better than this in the Philippines, and there is reason to be hopeful. There has been impressive progress in using information technology to improve disaster response, especially the vibrant crisis-mapping community. These advances will surely assist the effort in the Philippines in the coming weeks. But activists mappers alone cannot fix all the problems in the humanitarian system. The next step—one that should begin with the crisis in the Philippines—is for all humanitarian organizations and aid agencies to publish details of their planned and actual spending and activities, in real time, in an open, machine-readable format. This simple step would enable outside donors and intended beneficiaries to identify where activities overlap and where the gaps remain, and it would enable everyone to see where the money is going.
For starters, USAID, which is likely to be a major provider of aid to the Philippines, can do a much better job tracking expenditures. USAID is already required by law to report on the activities of its primary contractors. But the actual work is often done by subcontractors. They in turn are required to report project-level data to primary contractors, but that information is not publicly available. This should be easy to fix: USAID should announce that, starting with the Philippine relief and reconstruction effort, it will require all USAID contractors to disclose project-level data in a machine readable format in a timely fashion. This will not only help avoid overlaps and gaps in coverage in the short term but also make it possible to learn lessons about what worked for application in future disasters.
There are three international frameworks for sharing information about humanitarian response: the Financial Tracking System (FTS) of the UN’s Office for Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), the International Aid Transparency Initiative (IATI), and the European Disaster Response Information System (EDRIS). These standards are partly interoperable, and there are welcome efforts to ensure that they work closely together. The efforts to integrate these systems should be accelerated and given serious political backing; in the meantime all governments and humanitarian organizations should report all their activities, in detail and in real time, at least to the FTS, to enable humanitarian aid to have the biggest possible benefit.
The appalling events caused by Typhoon Haiyan could provide an impetus to the growing movement for a more transparent, effective, and better organized system for humanitarian relief and reconstruction. In the meantime, our thoughts are with the victims of these terrible events, and with the many brave humanitarian workers who will be working round the clock in the coming days and weeks to help them.
Translated by Jessica Anne D. Hermosa for CGDev, 15 November 2013
Tuwing tumatama ang isang malaking kalamidad, tulad ng bagyong puminsala sa mga lugar sa Pilipinas noong Nob. 8, madalas umusbong ang kabutihan ng mga tao mula sa lahat ng sulok ng daigdig. Magkakaroon din ng panahon upang pag-usapan ang mga hakbang upang maiwasan ang mga pagbabagong pangkalikasan na nakapagdudulot ng mga kalamidad, ngunit ang tanging prioridad sa ngayon ay ang paghatid agad-agad ng tubig, pagkain, at masisilungan sa mga taong lubha ang pangangailan. Ganito kaaga pa lamang ay nakikinita na na muling magiging mapagbigay ang publiko at ang iba't ibang mga gobyerno bilang patunay ng kapatiran. Ang mahalaga ngayon ay ang paninigurado na makakarating ang tulong na ito. Sa kasamaang palad, hindi ito ang kauna-unahang kalamidad sa ating panahon ngayon at ni hindi ito ang magiging panghuli. At dahil diyan, napakaraming leksyon na ang maaring mapulot mula sa nakaraan tulad ng sa tsunami sa Indian Ocean noong 2004 at sa lindol sa Haiti noong 2010.
Huwag nating tulungan ang Pilipinas tulad ng ating ginawa sa Haiti--imbes na dito, dapat ay mas mainam pa ang ating paaran ng pagtulong. Walang kakulangan ng donasyon, hindi ito ang problema. Sa Haiti, isang bayang may maliit na populasyon na 10 million, mahigit kumulang na $6 bilyon na ang ibinahagi bilang opisyal na donasyon ng mga bansa magmula nang lumindol doon. Maliban pa rito ay ang $3 bilyon na pribadong donasyong tinanggap ng mga NGO. Ang Estados Unidos naman ay nagpangako ng mahigit sa $3 bilyon para sa relief at reconstruction doon. Subalit, ngayong halos mag-aapat na taon na pagkatapos ng lindol ay hindi pa rin kapansin-pansin ang epekto ng mga malalaking halagang ipinamigay para sa Haiti. Sa kanilang kabisera na Port-Au-Prince ay ni wala pa ring maayos na daan, umaagos na tubig, o maasahang kuryente hanggang ngayon. Mga 200,000 hanggang 400,000 na Haitians ay nakatira pa rin sa mga trapal na barong-barong na ipinimigay pa ng mga ahensya noong katatama pa lamang ng lindol.
Mga NGO at pribadong kumpanya ang mga tumanggap ng tulong na pinansyal at marami sa kanila ay naka-base sa Estados Unidos at Europa. Ngunit kakaunti lamang ang mga pampublikong dokumentasyon na nagkikilatis ng kanilang mga naihatid na serbisyo, nasagip na buhay, o kamaliang nagawa kahit na mula sa pampublikong pondo naman ang kanilang mga natanggap. Maraming Haitians ngayon ay namumuot na sa kawalan ng pag-unlad, impormasyon, at panunungkulan na inaasahan mula sa mga relief efforts.
Sinubukan ni Vijaya Ramachandran alamin kung papano ba ginasta ang mga donasyon (basahin dito: Haiti: Where Has All the Money Gone) ngunit naging imposible itong gawin. Halimbawa na lamang ang $150 milyong inabot ng USAID sa Chemonics, isang internasyonal na kumpanyang nakatuon sa mga proyektong kaunlaran: wala pa ring pampublikong impormasyon noong May 2013 kung paano iwinaldas ang donasyon, anu-anong proyekto ang pinondohan, at ilang mga tao ang natulungan. Dahil sa kawalan ng impormasyan at pagsagot sa tungkulin, mahirap ngayon pumulot ng halimbawa para sa mga susunod sanang mga proyekto. At dahil dito, sadyang imposible na rin para sa mga opisyal sa Haiti na pamunuan ang pagdating ng mga pondo. Ayon kay Erold Etienne, Director-General ng Ministry of Finance ng Haiti:
We have only very little, overall information on aid.… We are required to be transparent. We publish the financial information relevant to the execution of our budget. All we ask is for the same transparency from our donor friends, which should help both us and them."
(Napaka kaunti lamang ng aming hinahawakang impormasyon ukol sa mga ipinamigay na pondo para sa Haiti. Kami ay inuutusang maging bukas sa pagbigay ng impormasyon. Kami ay naglalathala ng impormasyong pinansyal para sa budget. Ang aming tanging hiling ay maging kasing bukas ang aming kaibigang nagaabot ng donasyon sa pagbigay ng impormasyon.)
Ang kaguluhang ating namalas pagkatapos ng lindol sa Haiti ay may pagkakapareho sa mga problemang naranasan sa tsunami sa Indonesia limang taong nakalipas. Sa Indonesia, nagkaroon ng maraming taos-puso ngunit magulong pag-aksyon na nagdulot ng katagalan sa pamimigay ng mga lubhang kinakailangang kagamitan. Sa Banda Aceh, bilang halimbawa, ay may mga naiulat na pagkalat ng simptomas ng tigdas sa mga batang tatlong beses nang nabakunahan ng iba't-ibang organisasyon.
Kayang-kaya naman at kailangang na kailangang talagang galingan pa lalo ang pagtulong sa Pilipinas kaysa sa dalawang halimbawang ito. Sa ngayon, mukhang mayroong pag-asa sapagkat mas maunlad na ang paggamit ng teknolohiya at telekomunikasyon upang paigihin ang pagresponde sa kalamidad, mahigit na sa larangan ng crisis-mapping. Ang mga pag-unlad tulad nito ay siguradong makakatulong sa Pilipinas sa mga parating na linggo. Ngunit hindi kakayanin nang mag-isang solusyonan ng mga aktibong crisis mappers ang mga problema sa sistemang humanitarian. Nararapat na maging susunod na hakbang ay ang paglalathala ng mga humanitarian organizations at aid agencies ng mga detalye ng kanilang pina-planong at nagawa nang proyekto at pag-gasta sa paraang madalian, bukas, at computerized. Ang simpleng hakbang na ito ay makakatulong sa iba pang mga organisasyon sa pag-alam ng mga kakulangan o pagdodoble-doble ng mga proyekto, at makakatulong na rin sa pag-alam ng madla kung saan nga ba napupunta ang mga pondo.
Maaari na itong simulan ng USAID--ang organisasyong malamang na magbibigay ng pinakamalaking halaga sa Pilipinas--sa pamamagitan ng mas mainam nitong pagbantay ng mga gastusin. Sa ilalim ng batas ng Estados Unidos, ang USAID ay kumpolsadong nang mag-ulat ukol sa mga aktibidad ng kanyang mga contractors. Ngunit ang tunay na aksyon naman ay nanggagaling sa mga subcontractors. Sa isang banda, obligado rin namang mag-ulat ng datos ang mga subcontractors, ngunit sa kabilang banda ay hindi naman nila ibinabahagi sa publiko ang impormasyong ito. Madali lang ito solusyunan: dapat i-anunsyo lamang ng USAID na simula ngayon, kinakailangan nang magsumite ng datos ukol sa mga proyekto ang mga contractors sa paraan ngang computerized at madalian. Ito ay makakatulong sa pag-iwas ng pagdo-doble o pagkukulang ng mga proyekto sa madaliang panahon at--sa mas malayong kinabukasan--ito ay makakatulong din para sa paghanda para mga darating pang kalamidad.
Mayroon nang tatlong paraang pang-internasyonal upang mamahagi ng impormasyong ukol sa humanitarian response: ang the Financial Tracking System (FTS) ng United Nations Office for Coordinationof Humanitarian Affairs (OCHA), ang International Aid Transparency Initiative (IATI), at ang European Disaster Response Information System (EDRIS). Ang mga patakaran ng mga paraang ito ay mayroong bahagyang pagkakapareho upang mapadali ang pagtutulungan sa pagitan ng tatlo. Kailangan lamang bilisan ang pagkakabit-kabit ngmga sistema itong at bigyan rin ng suporta ng mga pulititko. Habang hindi pa ito naisasagawa, mabuti nang mag-ulat ang lahat ng mga gobyero athumanitarian organizations sa FTS ukol sa kani-kanilang mga proyekto sa detalyadong at agad-agarang paaraan upang maging malaki ang epekto ng humanitarian aid.
Ang mga kalunos-lunos na pangyayaring dulot ng bagyong Haiyan ay inaasahang manghimok lalo ng suporta para sa lumalakas na panukalang paigtingin ang pag-oorganisa ng humanitarian relief at reconstruction sa paraang mas epektibo at mas bukas sa pamimigay ng impormasyon. At habang inaantay ito, kami ay nakikiramay sa mga biktima nitong teribleng kalamidad at inaalala na rin ang mga magigiting na humanitarian workers na tiyak na magseserbisyo sa lahat ng oras sa mga parating na araw at linggo.
Disclaimer
CGD blog posts reflect the views of the authors, drawing on prior research and experience in their areas of expertise. CGD is a nonpartisan, independent organization and does not take institutional positions.